Princess Empress – Impormasyon para sa mga naghahabol

Ang Insidente

Lumubog ang MT Princess Empress (508 GT) na may bandila ng Pilipinas sa maaalon na dagat sa baybayin ng Naujan, Oriental Mindoro, Pilipinas, habang may dalang 800 000 litrong panggatong na langis bilang kargamento. Pagkatapos ay may natuklasang pagtagas ng langis sa paligid ng lokasyon ng barko, na umabot sa ibang lugar, na nagdulot ng pinsala ng polusyon. Para makita ang buong pag-aaral ng kaso ng insidente, mag-click dito.  Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga kasulukuyang operasyon sa pagtugon, pakibisita ang: www.princessempressinformationcentre.com.

Pamamahala sa Kabayaran at Mga Paghahabol

Ang pangunahing tungkulin ng IOPC Funds ay magbigay ng kabayaran sa mga taong nakaranas ng pinsala ng polusyon sa isang Miyembrong Estado na hindi makakuha ng buong kabayaran para sa pinsala ng polusyon mula sa may-ari ng barko. Ang mga naghahabol ay maaaring mga indibidwal, partnership, kumpanya, pribadong organisasyon, o pampublikong lupon, kabilang ang mga Estado o lokal na awtoridad. May insurance ang Princess Empress sa Shipowners’ P&I Club. Ang limitasyon ng pananagutan para sa may-ari ng barko sa insidenteng ito, alinsunod sa 1992 Civil Liability Convention, ay SDR 4.5 milyon, pero ang may-ari ng Princess Empress ay isang Partido sa Small Tanker Oil Pollution Indemnification Agreement (STOPIA) 2006 (gaya ng isinusog noong 2017) kung saan dinagdagan ang halaga ng limitasyong naaangkop sa tanker, nang boluntaryo, sa SDR 20 milyon.  Maaaring malampasan ng mga paghahabol ang limitasyon sa insurer ng may-ari ng barko sa ilalim ng 1992 CLC. Samakatuwid, posibleng maaaring hilingin sa 1992 Fund na magbigay ng kabayaran sa insidenteng ito.

Sino ang maaaring maghabol?

Pagiging katanggap-tanggap ng mga paghahabol para sa kabayaran

Para maging karapat-dapat sa kabayaran, dapat nagresulta ang pinsala ng polusyon sa aktwal at nabibilang na pagkalugi sa ekonomiya. Dapat maipakita ng naghahabol ang halaga ng kanyang pagkalugi o pinsala sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga rekord ng accounting o iba pang naaangkop na katibayan.

Para sa insidenteng ito, maaaring i-download sa ibaba ang mga partikular na form ng mga paghahabol para sa bawat isa sa mga sumusunod na uri ng mga paghahabol:

Tinatasa ang mga paghahabol alinsunod sa pamantayang itinatag ng Mga Gobyerno ng Mga Miyembrong Estado. Nakasaad ang mga pamantayang ito sa Manual ng Mga Paghahabol ng 1992 Fund, na isang praktikal na gabay tungkol sa kung paano magpahayag ng mga paghahabol para sa kabayaran.  Available din sa English, French, o Spanish ang mga alituntuning partikular sa sektor para sa mga naghahabol sa pamamagitan ng seksyong mga paglalathala.

Paano magsumite ng paghahabol

Para pangasiwaan ang proseso ng mga paghahabol sa insidenteng ito, nagtatag ang 1992 Fund at ang Shipowners’ Club ng pinagsamang lokal na Tanggapan ng Pagsusumite ng Mga Paghahabol (Claims Submission Office, CSO) sa Calapan, Oriental Mindoro. Ang mga tauhan ng tanggapan ay karamihang mga may karanasang handler ng mga paghahabol, na karamihan ay nagsasalita ng Filipino, na nangongolekta ng mga paghahabol sa Calapan at sa kahabaan ng naapektuhang baybayin. Itinayo ang tanggapan para matiyak na mapoproseso ang lahat ng paghahabol sa kabayaran nang mahusay at mabilis.  Nakipag-ugnayan na sa lokal na team ng mga eksperto at ibibigay sa English at Tagalog ang lahat ng nauugnay na dokumentasyon.  Dapat isumite ang mga paghahabol nang direkta sa CSO at maaari ding magpa-appointment para talakayin ang mga indibidwal na paghahabol sa pamamagitan ng pagbisita sa isa sa mga punto ng pagkolekta ng mga paghahabol, o sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa kanila sa address sa ibaba.

Princess Empress Claims Submission Office
ABBJ Building
Barangay Sto. Nino, Calapan City
5200 Oriental Mindoro, Philippines

Email:  CSO_PE@iopcfundsclaims.org

Dapat isumite ng mga naghahabol ang kanilang mga paghahabol sa CSO sa pamamagitan ng pagsulat (kabilang ang e-mail) gamit ang partikular na mga form ng paghahabol na ginawa para sa insidenteng ito. Dapat ipahayag ang mga paghahabol nang malinaw at nang may sapat na impormasyon at sumusuportang dokumentasyon para matasa ang halaga ng pinsala. Dapat mapatunayan ang bawat item ng paghahabol ng isang invoice o iba pang nauugnay na sumusuportang dokumentasyon, tulad ng mga work sheet, nagpapaliwanag na tala, account, at larawan. Responsibilidad ng mga naghahabol na magsumite ng sapat na katibayan para suportahan ang kanilang mga paghahabol. Mahalagang kumpleto at tumpak ang dokumentasyon.  Matatagpuan dito ang isang maikling sunod-sunod na gabay.

Kailan dapat magsumite ng paghahabol

Kailangang isumite ang mga paghahabol sa lalong madaling panahon, at sa anumang pagkakataon, hindi lalampas sa tatlong taon mula sa petsa kung kailan nangyari ang pinsala.

Higit pang impormasyon

Para sa higit pang impormasyon, direktang makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Pagsusumite ng Mga Paghahabol.