Terranova – Impormasyon para sa mga naghahabol

Ang Insidente

Noong 25 July 2024, ang barkong Terranova (gawa noon 2002, Philippines flagged oil tanker), ay lumubog sa lalim na 30 meters sa silangang bahagi ng Manila Bay dahil sa bagyong Carina (na may international name na Gaemi). Ng maaagap na search and rescue operations ay may isang tripulanteng binawian ng buhay.

Ang barko ay tinatayang may kargang 1,468,896 litro ng IFO 230 at 27 metric tonnes na operational bunker.  Base sa aerial surveillance ay may oil sheen na namatyagan sa Manila Bay na nangangahulugan na ang cargo tanks ng barko ay maaring nasira dahilan para tumagas ang langis.

Upang makita ang iba pang detalye ng insidente ay i-click ito. Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa patuloy na pagtugon sa insidenteng ito  ay maaring pumunta sa: https://www.terranovainformationcentre.com/

Pagkolekta ng Claims o Paghahabol at Kabayaran

Ang pangunahing layunin ng IOPC Funds ay pagbayad sa pagkalugi ng mga naapektuhan ng oil spill sa mga bansang miyembro nito na hindi makakuha ng lubos na kabayaran mula sa may-ari ng barko.  Ang mga claimants o ang naghahabol ay maaring mga indibidwal, mga negosyo, pribadong kumpanya o samahan, o mga ahensya ng gubyerno. Ang Terranova ay naka-insure sa Steamship Mutual Underwriting Association Ltd. (o Steamship Mutual). Ang limit ng obligasyon ng may-ari ng barko sa insidente na ito, ayon sa 1992 Civil Liability Convention (o 1992 CLC), ay SDR 4.5 Million. Subalit ang may-ari ng Terranova ay miyembro din ng Small Tanker Oil Pollution Indemnification Agreement o STOPIA 2006 (na inamiyendahan noong 2017) kung saan ay tumaas ang limit ng obligasyon ng ma-ari, sa boluntaryong batayan, sa SDR 20 Million. Ang claims sa insidenteng ito ay maaring lumagpas sa limit ng obligasyon ng may-ari na napapaloob sa 1992 CLC.  Dahil dito ay possible na ang 1992 Fund ay tawagin upang magbayad ng claims o paghahabol sa insidenteng ito.

Sino ang maaring mag-claim?

Panuntunan

Upang maging karapat dapat na tumanggap ng kabayaran, ang pinsala na dulot ng oil spill o pollution damage ay dapat nagresulta sa aktwal at nasusukat na pagkalugi ng isang claimant o naghahabol. Ang claimant o naghahabol ay inaasahang makapagpakita or magsumite ng mga dokumento, talaan o anupamang ebidensya na makapagpatotoo ng kanilang pagkalugi o claim.

Para sa insidenteng ito, ang mga sumusunod ay ang iba’t-ibang mga Claim Forms ang maaring i-download:

Ang mga sinumiteng claims o paghahabol ay susuriin ayon sa mga panuntunan na itinakda ng mga miyembrong bansa ng 1992 Fund. Ang mga panuntunang ito ay makikita sa 1992 Fund’s Claims Manual na isang gabay kung paano magsumite ng claim o paghahabol. Ang mga gabay na naayon din sa sektor na kinabibilangan ng mga claimant o naghahabol ay nakalathala din sa English, French o Spanish na makikita sa publication section.

Paano mag-file ng claim?

Ang 1992 Fund at ang Steamship Mutual ay nagbukas ng Claims Submission Office (o CSO) sa Balanga City sa Bataan.  Ang mga tauhan or Claims Collectors ng CSO sa Bataan ay mga bihasa sa pagtanggap ng claims at lahat ay nagsasalita at nakakaunawa ng Tagalog. Ang CSO binuksan upang ang lahat ng sinumiteng claims ay maproseso nang mahusay at walang pagkaantala. Ang mga claimant o naghahabol ay maaring mag-sumite ng kanilang claim sa  address na ito at sa mga sumusunod na paraan:

Terranova CSO
Unit 2, Ground Floor
Lou-is Building, Capitol Drive
San Jose, Balanga City, 5100 Bataan
Philippines
Telepono: +63 (47) 2370604
Email: claims.terranova@iopcfundsclaims.org

Personal

Magpa-appointment muna sa CSO. Sa takdang araw, ay isumite ang nasagutan at napirmahang Claim Form at mga dokumento sa mga Claim Collectors na nasa CSO.

Sa pamamagitan ng E-mail

Ipadala ang malinaw na scanned copy ng nasagutan at napirmahang Claim Form at mga kasamang dokumento.

Ang claim at mga dokumento ay dapat malinaw at may sapat na datos upang ang pagkalugi o paghahabol ay masuri ng maayos. Ang bawat claim ay maaring patunayan sa pamamagitan ng pagsama ng mga ebidensya tulad resibo, talaan, o litrato. Responsibilidad ng mga claimant o naghahabol na mag-sumite ng sapat na ebidensya ng kanilang claim o paghahabol. Pinapaalalahanan din ang mga claimant o naghahabol na siguraduhin ang mga sinumiteng dokumento ay kumpleto at tama. Ang mga gabay at paalala sa pagsumite ng claim o paghahabol sa makikita dito.

Kailan dapat mag-file ng claim o paghahabol?

Ang claim o paghahabol ay dapat isumite sa lalong madaling panahon, kung maari, at sa loob ng tatlong (3) taon mula sa petsa ng pagkalugi ng claimant o naghahabol.

Karagdang Impormasyon

Sa mga katanungan o karadagang impormasyon ay makipag-ugnayan sa Claims Submission Office.